-- Advertisements --

Nagsagawa ang US Air Force ng missile testing.

Ayon sa Air Force Global Strike Command, na sinubukan nila ang Minuteman III intercontinental ballistic missile na armado ng three test reentry vehicle.

Isinagawa ang paglunsad sa Vanderberg Air Force Base sa California.

Lumipad ito ng hanggang 4,200 milya sa Kwajalein Atoll ng Marshall Islands.

Base sa pahayag ng US Air Force na ang nasabing missile test ay nagpapakita ng kakayahan ng isang ICBM weapon system nila.

Nais din nilang tiyakin na magiging ligtas at epektibo ang nasabing missiles.

Bago ang kanilang testing ay inabisuhan nila ang Russia dahil ito ang nilalaman sa the Hague Code of Conduct.