-- Advertisements --

Naglabas ang US State Department ng security alert sa kanilang mga mamamayan na nasa Gitnang Silangan.

Kasunod ito sa posibleng pagganti ng Iran sa ginawa nilang pag-atake.

Ayon sa US Departmentna mahalaga na maging alerto ang mga mamamayan sila dahil sa posibilidad ng pagtaas ng tensiyon sa pagitan ng US at Iran.

Asahan nila ang pagkakaroon ng kanselasyon ng mga flights, pagsara ng airspace at pagkaantala ng mga biyahe.

Magugunitang kinumpirma ni US President Donald Trump ang pag-atake nila sa ilang mga Iranian targets na makikita malapit sa Strait of Hormuz.

Ang nasabing pag-atake ay pangalawang araw matapos na ilunsad nila ang pag-atake sa Larak Island dahil sa pagmamatigas umano ng Iran sa paglalagay ng mga mines sa Strait of Hormuz.