-- Advertisements --

Nagsagawa ang US Air Force ng testing ng ka nilang hypersonic cruise missile.

Ito ang kauna-unahang missile testing na isinagawa ng US sa Pacific.

Ayon sa US Air Force na lumipad ang B-52 bomber sa Andersen Air-Force Base sa isla ng Guam at inihulog ang full prototype operational hypersonic missile.

Ang test ng hypersonic weapon na tinawag din na All-Up-Round AGM-183A Air-launched Rapid Response Weapon (ARRW) ay isinagawa sa Reagan Test Site sa Kwajalein Atoll ng Marshall Island.

Kadalasan kasi na isinasagawa ang ARRW sa mainland US.

Ang hypersonic glide vehicles ay may bilis ng higit pa sa Mach 5 o nasa 4,000 miles per hour.

Dahil dito ay mahihirapan ang mga tao na ito ay ma-detect o ma-intercept.