-- Advertisements --
images 4

Nanawagan ang US na palayain na ang lahat ng binihag na mga indibidwal ng militant group na Hamas.

Ito’y matapos na muling nagpalaya ang naturang grupo ng dalawa pang bihag sa gitna ng tumitinding tensyon sa pagitan nila ng Israel.

Ang nasabing pagpapalaya sa dalawang bihag ay matapos din ang pakikipagnegosasyon ng Qatar at Egypt sa Hamas.

Matatandaan na ayon sa mga awtoridad, mas lumala pa ang mga pangbobomba at pag-atake ng Hamas sa ilang mga lugar kasabay ng pagdating ng paunang 17 aid trucks mula sa US.

Sa kasalukuyan, patuloy pa rin naman ang pagpapadala ng tulong at mga trucks para sa mga residente na apektado ng sigalot sa pagitan ng Israel at Hamas.