-- Advertisements --

Naniniwala ang mga matataas na opisyal ng US military na mahihirapan pa rin ngayong taon na mapalayas ang mga sundalo ng Russia sa Ukraine.

Sinabi ni General Mark Milley ang chairman ng Joint Chief of Staff na matatapos lamang ang gulo sa Ukraine kapag idaan sa masusing pag-uusap.

Maaring gawin ngayon ng Ukraine ay ang patuloy na pagdepensa ng kanilang mga puwersa.

Mahalaga din ang pagbibigay ng suporta gaya ng mga military supply sa Ukraine para malabanan nila ang patuloy na pananakop ng Russia.