-- Advertisements --
Inaprubahan na ni US President Joe Biden ang military transfer sa Taiwan sa ilalim ng Foreign Military Financing.
Nagkakahalaga aniya ang FMF funds ng $80-M bilang suporta sa Taiwan.
Gagamitin aniya ang nasabing pondo para mapalakas ang kapasidad ng kanilang depensa mabantayan ang kanilang maritime territory.
Ikinatuwa naman ni Republican chairman of the House of Representatives Foreign Affairs Committee chairman Michael McCaul ang nasabing tulong militar ng US sa Taiwan.