-- Advertisements --

Nakatakdang ianunsiyo ng US ang pagbili nila ng advanced, medium-to-long range surface-to-air missile defense system para sa Ukraine.

Isa kasi sa layon ni US President Joe Biden sa pagdalo nito sa G7 Summit sa Germany ang pagtulong nito sa Ukraine matapos na lusubin sila ng Russia.

Isasabay din iaanunsiyo sa mga susunod na araw ang mga tulong militar na ibibigay ng US sa Ukraine gay ang dagdag na mga bala, counter-battery raders at missile defense system o kilala bilang NASAMS systems.

Noong mga nakaraang buwan ay nagdagdag ng $450-milyon na tulong ang US sa Ukraine para labanan ang Russia.