-- Advertisements --
May dagdag na $3 bilyon na military assistance ang US sa Ukriane.
Ayon kay Press Secretary Karine Jean-Pierre, na iaanunsiyo sa mga susunod na araw ng Pentagon ang nilalaman ng mga ito.
Inaasahan aniya na naglalaman ang mga ito ng Bradley infantry fighting vehicles, MRAPs at ibang personnel carriers ganun din ang self-propelled howitzers.
Noong nakaraang kasi ay inanunsiyo rin ng Germany ang pagbibigay nila ng armored vehicles na Marders.
Ang Bradley na gawa sa US ay armado ng 25 mm autocannon, isang 7.62 mm machine gun at anti-tank missiles.
Naniniwala ito na ang nasabing mga kagamitan ay makakatulong sa Ukraine para tuluyang malabanan ang pananakop ng Russia.