-- Advertisements --

Dinagdagan ng US ang kanilang security assistance sa Ukraine.

Ayon sa Pentagon, na mayroong $275 milyon ang dagdag na tulong para sa pambili ng mga bala sa rocket systems.

Sinabi ni Pentagon press secretary Sabrina Singh, na mayroon ding dagdag na pambili ng mga bala para sa kanilang high mobility artillery rocket systems o HIMARS.

Ito na ang pang-24 na presidential drawdown authority package ng US sa Ukraine.

Aabot na sa mahigit $18.5 bilyon ang security assistance na naibigay na ng US sa Ukraine.