Nais maglunsad ng US ng higit pang mga strikes sa mga grupong suportado ng Iran sa Middle East.
Ang pahayag ay pagkatapos na tamaan ang mga paksyon na nakahanay sa Tehran sa Iraq, Syria at Yemen sa nakalipas na dalawang araw.
Matatandaang ang Estados Unidos at Britain ay nagpakawala ng mga pag-atake laban sa 36 na target ng Houthi sa Yemen, isang araw pagkatapos na tamaan ng militar ng US ang mga grupong suportado ng Tehran sa Iraq at Syria bilang pagganti sa isang nakamamatay na pag-atake sa mga tropang US sa Jordan.
Sinabi ni White House National Security Adviser Jake Sullivan, na layunin nilang magsagawa ng karagdagang mga strikes at karagdagang aksyon upang ihayag ang kanilang mensahe na tutugon kapag inatake ang kanilang pwersa.
Ang diplomatic efforts ng administrasyong Biden na pigilan ang pagbagsak mula sa digmaan ay nagpatuloy din sa pag-alis ng nangungunang diplomat na si Antony Blinken patungo sa rehiyon noong Linggo ng hapon.
Una nang tumanggi si Sullivan na ilabas ang iba pang impormasyon kung maaaring salakayin ng Estados Unidos ang mga site sa loob ng Iran na isang bagay na maingat na iniiwasan ng militar ng US.