-- Advertisements --

Plano ng US na magtalaga ng anim na nuclear-capable B-52 bombers sa airbase nila sa northern Australia.

Ang mga ito ay ilalagay sa kanilang remote Tindal Base ng Royal Australian Air Force na may layong 300 kilometers ng northern territory ng Australia.

Sinabi ni Prime Minister Anthony Albanese na patuloy ang ginagawang pakikipag-ugnayan nila sa US para sa pagkakaroon ng alyansa sa usapin ng defense.

Nong nakaraang taon kasi ay nagkaroon ng security deal ang US, Britain at Australia kung saan magbibigay ang Australia ng teknolohiya na magpakalat ng mga nuclear-powered submarine.