-- Advertisements --
Kinondina ng US ang ginawang pag-aresto ng Russia sa reporter ng Wall Street Journal.
Sinabi ni White House Press Secretary Karine Jean-Pierre na hindi katanggap-tanggap ang pag-target ng Russian government sa mga Americans.
Nakipag-ugnayan na rin sa kanila ang mga kaanak ni Evan Gershkovich at maging ang kumpanyang pinag-tatrabahuan nito.
Magugunitang inaresto ng mga opisyal ng Russia si Gershkovich dahil umano sa inakusahan itong nang-iispiya.