-- Advertisements --
Kinondina ng US ang umano’y irresponsableng pagpapalipad ng Iran ng kanilang ballistic misisles na tumama sa Irbil City sa Iraq.
Sa nasabing missile strike ng Revolutionary Guards ng Iran ay tumama umano ito sa “spy headquarters” ng Israe sa Kurdistan Region.
Nagresulta ito sa pagkasawi ng apat na sibilyan at anim na iba pa ang nasugatan.
Dahil dito ay ni-recall ng Iraq ang kanilang ambassador sa Tehran at ang nasabing strike umano ay malinaw na paglabag sa kanilang soberanya.
Ipinagmalaki rin ng Revolutioinary Guards na kanilang natamaan ang terrorist bases sa Syria bilang kasagutan sa suicide bombing sa Iran na inako ng Islamic State group.










