-- Advertisements --
Nanguna ang US sa pagkondina sa drone strike ng Russia sa Kyiv, Ukraine.
Ayon kay White House press secretary Karine Jean-Pierre na hindi na makatarungan ang ginagawa ng Russia dahil sa maraming mga inosenteng sibilyan ng Ukraine ang nadadamay.
Patuloy din aniya ang pakikipag-ugnayan ng US sa Ukraine para magbigay ng suporta sa pag-atake ng Russia.
Magugunitang nagtala ng apat katao ang nasawi sa drone strike ng Russia sa Kyiv.
Ang nasabing mga drone aniya ay binili ng Russia sa Iran na siyang ginagamit nila sa pang-atake sa Ukraine.










