Kinondina ng US, Japan at South Korea ang pinakahuling pagpapakawala ng North Korea ng dalawang ballistic missiles.
Ang nasabing mga missiles ay aniya ay tumama sa exclusive economic zone ng Japan.
Ayon sa Japanese Ministry of Defense na ang isa ay bumagsak sa Sea of Japan o kilala bilang East Sea na may layong 110 kilometers ng northwest ng Hegura Island na bahagi ng Ishikawa prefecture habang ang isa naman ay may layong 250 kilometers.
Sinabi ng tatlong bansa na ang ginawa na ito ng North Korea ay malinaw na paglabag sa ilang resolution ng United Nations Security Council.
Isa rin aniya itong banta sa international peace and secuirty sa rehiyon ang paggamit ng North Korea ng weapons of mass destruction.
Ang nasabing pagpapalipad ng ballistic missiles ng North Korea ay isa umanong pagpapakita nila ng pagkontra sa ginaganap na military exercise sa pagitan ng US at South Korea.