-- Advertisements --

Itinanggi ng US na mayroong mga sibilyan na nadadamay sa kanilang pag-atake sa Iran.

Sinabi ni US Vice President JD Vance na ang mga Iranian Revolutionary Guard Corps (IRGC) ay nagpapakalat ng mga pekeng balita.

Dagdag pa nito na kanilang tinitiyak na ang target lamang ng US ay mga pangunahing military installation ng Iran.

Sakaling mayroong natatamaan na mga sibilyan sa Iran ay magsisilbi itong aral sa kanila.

Tiniyak din ng US Vice President na legal ang kanilang pag-atake dahil sa pagmamatigas ng Iran na ayaw tigilan ang mga dumadaang barko sa Strait of Hormuz at nagmamatigas ukol sa pagpapatupad ng usaping pangkapayapaan.