-- Advertisements --
Magpapaso na ang ceasefire sa pagitan ng Estados Unidos at Iran gabi ng Miyekules, Abril 22 (Washington time), ayon kay US President Donald Trump.
Mataas din ang posibilidad na hindi palawigin ni Trump ang ceasefire kung walang maikasang kasunduan sa pagitan nila ng Iran.
Inaasahan ni Trump na magpapatuloy ang labanan kapag walang nakamit na kasunduan sa ikalawang yugto ng pag-uusap.
Ngayong Martes, inaasahang lilipad patungong Pakistan si US Vice President JD Vance kasama ang top US officials bago ang posibleng ikalawang round ng pag-uusap.
Nagpahayag naman ng kumpiyansa si Trump na dadalo ang panig ng Iran sa negosasyon, kahit pa nauna nang tumanggi ang Iran na dumalo at iginit na walang mangyayaring negosasyon sa ngayon.
















