-- Advertisements --

Kinondina ng US ang ginawang missile test ng Russia sa International Space Station (ISS).

Pinasabog kasi ng Russia ang kanilang sariling satellites na ikinabahala ng ilang mga crew na nasa ISS.

Napilitang magtago ang mga crew dahil sa mga nahulog na debris mula sa sumabog na satellites.

Ang ISS ay kasalukuyang mayroong apat na Americans, isang German at dalawang Russians.

Umiikot sa taas ng mundo na 420 kilometers.

Ayon kay US state department spokesman Ned Price na ang pagtama ng missile ng Russia sa sarili nitong satellite ay nakakabahala.

Aabot kasi sa mahigit 1,500 piraso ng mga trackable orbital debris at ilang daang libong mga pirasong mga orbital debris ang nahulog.

Tiniyak ni Price na idudulog nito ang pangyayari sa kanilang kaalyado para planuhin ang mga susunod na hakbang.

Ikinagalit din ni NASA administrator Bill Nelson ang gianwang ito ng Russia.

Minaliit lamang ito ng Russian space agency na Roscosmos at sinabing ang mga debris ay ligtas na nahulog sa spacecraft nila at hindi ito mapanganib.