-- Advertisements --
Nanawagan si Republican House Speaker Mike Johnson na magbitiw na si Columbia University president Nemat Shafik.
Kasunod ito sa patuloy na nagaganap na pro-Palestinian protest.
Ayon kay Johnson na bigong protektahan ni Shafik ang kaligtasan ng mga Jewish students sa campus.
Tinukoy ng opisyal ang pagkakaaresto sa ilang mag-aaral dahil sa ginagawa nilang kilos protesta.
Magugunitang sumiklab ang pro-Palestinian rally sa maraming mga unibersidad sa US kung saan may ilang mag-aaral ang nagtayo na ng tent sa labas ng kanilang mga unibersidad.