-- Advertisements --
Muling hinikayat ni US Secretary of State Antony Blinken si Russina Foreign Minister Sergey Lavrov na tapusin ang pananakop sa Ukraine.
Ito ang isa sa naging laman ng kanilang pagpupulong sa pagdalo ng dalawa sa G20 meetings sa India.
Iginiit ni Blinken na hindi nagbabago ang suporta ng US sa Ukraine at maging ang kanilang kaalyadong bansa ay matibay ang suporta nila sa Ukraine.
Umaasa ito na tutuganan ng Russian official ang panawagan din ng bansang dumalo sa G20 meetings kung saan handa umano ang mga ito pangasiwaan ang negosasyon.










