Kabilang na ang Israel sa pang-anim na journalist jailers sa buong mundo.
Ayon sa Committee ot Protect Journalist (CPJ) na kapantay na nila sa ranking ang Iran.
Ito na ang pinakamataas na ranking ng Israel matapos na ilang mga mamamahayag ng Palestine ang kanilang inaresto mula ng magsimula ang grupo na mag-dokumento noon pang 1992.
Karamihan sa mga naaresto nilang Palestinian journalist ay mula sa Palestinian territory sa West Bank.
Mula noong Disyembre 1 ay mayroong 17 journalist ang inaresto ng Israeli government kapantay nila ang bilang ng China.
Nanguna naman ang China na mayroong 44 journalists ang inaresto, pumangalawa ang Myanmar na mayroong 43, Belarus na mayroong 28, Russia na mayroong 22 at Vietnam na mayroong kabuuang 19 na journalist ang naaresto.










