-- Advertisements --
Binigyan ng authorization ng US health regulators ang COVID-19 vaccines ng Moderna at Pfizer-BioNTech na target ang original coronavirus at Omicron subvariant para iturok sa mga bata na may edad anim na buwan.
Ang binagong authorization ay mula sa Food and Drug Administration na papayagan ang paggamit ng bivalent shot ng Moderna bilang booster sa mga batang edad anim na buwan hanggang limang taon na pagkatapos ng dalawang buwan sa kanilang inisyal na vaccination.
Ang mga bata na nakumpleto ang kanilang tatlong-dose ng vaccination ng Pfizer’s original shot ay hindi pa maaaring makatanggap ng bivalent booster.
Ilalabas pa sa Enero ang data supporting use ng Pfizer/BioNTech bivalent shot bilang booster sa kaniyang age group.