-- Advertisements --

Haharangin ng US government ang anumang plano na pagbawalan ang Israel na lumahok sa 2026 World Cup.

Kasunod ito sa naging pahayag ng United Nations commission of inquiry na nagkamit ng genocide ang Israel laban sa mga Palestino sa Gaza.

Dahil dito ay nanawagan ang UN at si Spanish Prime Minister Pedro Sanchez na mapatawan ng sporting sanctions ang Israel.

Gaganapin ang World Cup sa susunod na taon kung saan ang host countries ay ang US, Mexico at Canada.

Nakatakdang makaharap ng Israel ang Norway sa World Cup qualifiers sa Oslo sa darating na Oktubre 11.

Una ng mariing itinanggi ng Israel na ang mga paratang na genocide laban sa Palestino at ang pinupuksa lamang nila ay mga Hamas.