-- Advertisements --
Plano ngayon ng White House na gawing taunan na lamang ang pagpapaturok ng COVID-19 boosters.
Ayon kay White House chief medical advisor Anthony Fauci na gaya ng trangkaso ay kailangan ng maging taunan na ng pagturok ng boosters.
Hindi kasi maiwasan ang pagkakaroon ng iba’t-ibang variants ng COVID-19 kaya nararapat na hindi rin itigil ang pagturok ng mga boosters.
Ang anunsiyo ay isinagawa matapos na aprubahan ng Food and Drug Administration noong nakaraang mga linggo ang makabagong bivalent shots laban sa original strain ng coronavirus at BA.4 at BA.5 na uri ng Omicron variant.