-- Advertisements --

Surpresang binisita ni US first lady Jill Biden sa Uzhhorod, Ukraine.

Nagtungo ito sa isang paaralan na nagsisilbi na ngayon bilang temporaryong tirahan ng mga Ukrainian na nawalan ng tahanan dahil sa paglusob ng Russia.

Nakipagkita rin ito kay Ukrainian first lady Olena Zelenska na hindi nakita sa publiko mula ng lumusob ang Russia noong Pebrero 24.

Pinasalamatan ni Zelenska si Biden dahil sa lakas ng loob na bumisita sa Ukraine kahti may nagaganap na kaguluhan.

Sinabi ni Biden na ang pagbisita nito sa Ukraine ay kasabay ng pagdiriwang ng Mothers Day kung saan kinumusta nito ang kalagayan ng mga ina na naiipit sa giyera.