-- Advertisements --
Nakausap na ng mga opisyal ng US embassy si WNBA star Brittney Griner na nakakulong sa Russia.
Ayon kay White House press secretary Karine Jean-Pierre na ang nasabing paraan ay para matiyak na may ginagawa ang US government para mapalaya si Griner.
Patuloy din aniya ang pag-follow up ng US Government sa Russia para mabigyan ng karampatang update sa kaso ni Griner.
Huling nakausap ng mga US embassy si Griner noong Agosto.
Magugunitang noong Pebrero ng maaresto sa paliparan ng Russia si Griner matapos na makuhanan ng pinagbabawal na substances na nakalagay sa kaniyang vape cartridge at ito ay hinatulang makulong ng siyam na taon.