Hiniling ng Department of Justice (DOJ) sa Estados Unidos na pangunahan ang depensa para kay President Donald Trump kontra sa defamation lawsuit na isinampa sa kaniya ng batikang kolumnista na si E.Jean Carroll.
Nais ng justice department na pangunahan ang kasong hinaharap ng presidente at palitan na rin ang mga abogado nito.
Ayon sa mga ito, maaaring depensahan ng mga government attorneys ang American president dahil sa kaniyang serbisyo bilang presidente noong pasinungalingan niya ang mga alegasyon ni Carroll.
Balak din nitong iakyat ang kaso sa state court mula federal court.
Base pa sa Federal Tory Claims Act ay maaaring magkaroon ng immunity mula sa kahit anong uri ng kaso ang sinomang empleyado ng US government.
Magugunita na ibinunyag ni Carroll na muntikan na siyang pagsamantalahan ni Trump sa loob ng isang dressing room sa kilalang department store sa Manhattan noong 1990.
Subalit ikinagalit lalo ng kolumnista ang sinabi ni Trump na hindi siya ang tipo nitong babae kaya imposible na gawin nito ang akusasyon ng biktima.