Napigilan ng US destroyer ang dalawang oil tankers na tinangkang lumabas ng Iran, isang araw matapos maging epektibo ang blockade ng US military.
Kaugnay nito, napilitan ang oil tankers na bumalik. Umalis ang mga ito mula sa Chabahar port sa Gulf of Oman subalit niradyuhan ang mga ito ng US warship para bumalik.
Ayon sa isang US official, ang dalawang tankers ay kabilang sa anim na merchant vessels, na ayon sa US Central Command, ay bumalik sa Iranian port sa Gulf of Oman.
Ayon din sa US military, walang barko ang nagawang makadaan sa blockade simula ng maging epektibo ito noong Lunes.
Nauna nang nilinaw ng US military na susuportahan nila ang malayang paglalayag sa mga barkong dumaraan sa Strait of Hormuz, hangga’t hindi galing ang mga ito o patungo sa Iran.
















