-- Advertisements --

Nakatakda namang magtungo ng Israel sa susuno na linggo si US Defense Secretary Lloyd Austin.

Makikipagpulong ito kay Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu kung saan kukumustahin ang ginawang paglusob sa mga Hamas.

Gaya ng naging pakay noong nakaraang linggo ni US national security adviser Jake Sullivan, ay pipilitin ni Austin si Netanyahu na itigil ang ginagawang pagdamay sa mga sibilyan sa Gaza.

Magugunitang inihayag ni US President Joe Biden na kaya nawawalan ng suporta ang Israel dahil sa walang humpay na pagbomba sa na ikinasawi ng mga sibilyan.