-- Advertisements --
Ibinunyag ng opisyal ng White House na hindi ipinaalam kay US President Joe Biden na dinala sa pagamutan si US Defense Secretary Lloyd Austin.
Ang 70-anyos na defense chief ay dinala sa Walter Reed Medical Center nitong Lunes dahil sa kumplikasyon mula sa kaniyang nakaraang pagkakaopera.
Nalaman na lamang ng White House nitong araw na ng Huwebes.
Inako naman ni Austin ang hindi agad na pagpapaalam kay Biden na ito ay nasa pagamutan.
Sinabi nito na nagpapalakas na lamang ito ngayon at hand na ito ng bumalik sa trabaho.