-- Advertisements --
Tutulong na rin ang United States Coast Guard sa Pilipinas para sa paglilinis ng tumagas na langis sa may Oriental Mindoro
According kay National Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Chair at Defense Secretary Carlito Galvez Jr. na magbibigay ang US Coast Guard ng technical support para sa nagpapatuloy na clean-up operations.
Nito lamang araw ng linggo, dumating na sa may Subic Airbase ang isang C-17 aircraft kung saan inaasahang darating sa bansa ang isa pang air asset ngayong araw ng Lunes, Marso 27.
Una na ring sinabi ng PCG na lumubog ang oil tanker na MT Princess Empress na nagdulot ng oil spill 400 meters sa may karagatan na sobrang lalim para maabot ng mga divers.