-- Advertisements --
image 599

Hinangaan ng United States Coast Guard ang Philippine Coast Guard para sa kakaibang pangangaiswa nito sa tumagas na langis sa karagatan ng Oriental Mindoro.

Pinuri din ni Stacy Crecy, lider ng US Coast Guard Pacific Strike Team ang pagtutulungan ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno, lokal na pamahalaan at mga apektadong komunidad.

Sa isang briefing sa Philippine Ports Authority (PPA), sinabi ng US official na ang kanilang initial assessment base sa kanilang obserbasyon na ginawang pagtugon ng PCG ay katulad ng ginagawa din ng Amerika.

Maraming mga habang na rin aniya ang nagawa ng PCG katuwang ang mga mamamayan na nagpakita ng kahusayan sa pagtugon sa oil spill. Ang kooperasyon aniyang ito sa pagitan ng mga ahenisya ng gobyerno at mga mamamayang Pilipino ay gumagana at nakatulong sa oil spill response.

Kasalukuyan ngang nasa Pilipinas ang mga personnel ng US Coast Guard bilang tugon sa panawagan ni PCG Commandant Admiral Artemio Abu ng assistance para sa pag-contain ng oil spill mula sa mga kaalyadong bansa gaya ng Japan, South Korea at Amerika.