-- Advertisements --
Nagpositibo sa COVID-19 si US Center for Disease Conrol Director Dr. Rochelle Walensky.
Ito ay matapos ang 10 araw ng magpositibo siya.
Noong Oktubre 21 ng magpositibo siya sa COVID-19 ay tinurukan na siya ng antiviral drug na Paxlovid mula sa kumpanyang Pfizer.
Nawala ang sintomas nito at nagnegatibo na subalit tila naitala ang rebound case ng magpositibo muli siya.
Siya ang ikatlong high-profile government official na nakaranas ng rebound case ng COVID-19 matapos turukan ng Paxlovid.
Nauna rito ay nagpositibo si US President Joe Biden sa COVID-19 sa isang rebound case noong Hulyo matapos na magnegatibo siya sa loob ng apat na araw.