Bukas si US President Joe Biden sa ideyang dagdagan pa ang mga sanctions na ipapataw sa Russia matapos na mag-anunsyo ang European Union ng kanilang mga bagong parusang ipapataw sa nasabing bansa.
Sa isang statement, sinabi ni Biden na makikipagpulong siya sa mga miyembro ng G7 nation ngayong linggo upang talakayin ang mga susunod na hakbang upang pigilan at bigyang leksyon ang Russia dahil sa gulong sinimulan nito.
Magugunita na kamakailan lang ay naglabas ng raft measures si EU Commission President Ursula von der Leyen hinggil sa mga kaparusahan na ipapataw nito sa nasabing bansa.
Kabilang na dito ang pagbabawal ng Russian oil, pag-aalis sa SWIFT system ng pinakamalaking Russian bank na Sberbank at dalawa pang mga kumpanya.
Habang ang iba naman ay mga kaparusahan na ipinapataw sa mga indibidwal na sangkot sa mga krimeng naganap sa Bucha, Ukraine,
Bukod dito ay naglabas din ng mga sanctions si United Kingdom’s Foreign Secretary Liz Truss laban sa 63 Russian citizens at entities kabilang na ang Russian media companies na nasa likod ng pagpapakalat ng disinformation campaign ni Putin.