Naghahangad na mamuhunan ang US-based firms sa agrikultura at iba pang sektor ng Pilipinas.
Ang pahayag ay habang inilulunsad ng Washington ang ipinangako nitong misyon sa kalakalan at pamumuhunan sa Maynila.
Sinabi ng Aviagen, isang kompanya na dalubhasa sa broiler breeding stock, na nais nitong palawakin ang distribution network nito sa Pilipinas.
Ayon kay Rafael Monleon, business manager ng Aviagen for Asia-Pacific, ang kanyang kumpanya ay may mga kakulangan sa supply dito sa bansa, at may mga pagkakataon na ang mga supply ay naging “hindi sapat.”
Aniya, nagkaroon na sila ng mga distributors sa bansa at patuloy pang makikipagtulungan upang mas mapalawig pa ang mga ito.
Giiit ng nasabing kumpanya na tinitingnan nito ang pagtatatag ng sariling mga operasyon upang pag-aralan ang kapasidad at dami sa merkado para sa stock ng broiler breeding.
Ayon kay Monleon, mataas ang produksyon ng poultry sa Ph na kung saan ito ay lumalago nang husto sa lahat ng mga taon na ito at may pangangailangan para sa kalidad ng broiler breeding stock.
Una nang sinabi ng opisyal na kasalukuyan nilang isinasagawa ang feasibility study ukol sa nasabing trade mission.