-- Advertisements --

Nagkasundo ang Pilipinas at Amerika na ibalik ang joint maritime patrols sa West Philippine Sea sa layong ma-counter ang umiigting na presensiya ng China at matugunan ang mga hamon sa seguridad.

Ang naturang kasunduan ay naisakatuparan kasabay ng pagbisita sa bansa ni US Defense Secretary Lloyd Austin sa hangaring maayos ang ugnayan na naputol sa ilalim ng dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos sinuspendi ng dalawang bansa ang maritime patrols sa pinag-aagawang karagatan.

Ang kasunduan sa joint patrols ay ginawa sa huling minuto ng mga pag-uusap sa pagitan ni Austin at Galvez ayon sa isang senior official sa AFP.

Mayroon din aniyang kasunduan kung saan may follow up discussion pa kaugnay sa guidelines kung paano isasagawa ang joint patrols kung ang naval o coast guard vessels ang kalahok sa maritime patrols.