-- Advertisements --
Kinumpirma ng bagong US Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson na maging siya ay nagpositibo sa COVID-19.
Ginawa ni Carlson ang pag-amin sa kanyang Twitter account kung saan nag-post pa siya ng larawan ng testing strip.
Sa ngayon aniya ay nag-isolate muna siya sa kanyang tahanan sa Metro Manila habang nakakaranas ng mild symptoms.
Sa kabila nito nagpasalamat pa rin siya at vaccinated na at naka-booster pa gamit ang Pfizer.
“It was bound to happen sometime…Kind of amazing I made it 2.5 years. Isolating at home with only mild symptoms. So glad to be vaccinated and boosted with the safe and effective Pfizer vaccine. Looking forward to recovering and experiencing more of the Philippines! #GetBoosted”