-- Advertisements --
image 202

Nakipagpulong si National Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. kay United States ambassador to the Philippines MaryKay Carlson.

Ito ay matapos na malugod na tinanggap ni Defense Secretary Teodoro si Clarkson sa kaniyang naging courtesy call sa tanggapan ng Department of National Defense.

Ang naturang pagpupulong ay sumentro sa renewed and positive momentum ng defense cooperation sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos kung saan binigyang pagkilala din ng United States envoy “transformative vision” at dedikasyon ni Sec. Teodoro upang masmapabuti pa ang kapabilidad ng kagawarang kaniyang pinamumunuan.

Bukod dito ay tinalakay din ng dalawang opisyal ang kahalagahan ng pagbibigay prayoridad ng dalawang bansa na magfocus sa iba’t-ibang mga areas of cooperation tulad ng capability building, maritime security, at cybersecurity.

Samantala, nagpahayag naman ng hindi matatawarang suporta si United States ambassador to the Philippines MaryKay Carlson sa posisyon at ipinaglalaban ng Pilipinas sa arbitral ruling sa West Philippine Sea , kasabay ng pangakong pagtataguyod sa international law at stability sa rehiyon.

Bilang panghuli ay nangako naman ang dalawang bansa ng mas malalim na kooperasyon, at mutual understanding, at pati na rin sa pagtataguyod ng peace and security sa Indo-Pacific region.