Target ng Department of Agriculture (DA) na mailabas ngayong linggo ang updated suggested retail price (SRP) para sa imported na karne ng baboy, kasuno nang pagpapataas ng pamahalaan sa minimum access volume (MAV).
Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, isinasapinal pa lamang nila sa kasalukuyan sa kanilang mga diskusyon ang magiging bagong SRP.
Mayo 10 nang inilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order No. 133 para itaas ang MAV sa 254,210 metric tons mula sa dating 54,210 metric tons lamang.
Nabatid na sa ngayon ang SRP para sa imported na karne ng baboy ay P270 sa kada kilo ng kasim, at P350 naman sa kada kilo ng liempo.
Subalit base sa datos ng DA, hanggang noong Mayo 11, ang presyo ng kada kilo ng kasim sa palengke ay P360, at P380 naman sa kada kilo ng liempo.