CENTRAL MINDANAO-Umakyat na sa 36 na bahay ang nasira sa paghagupit ng buhawi sa probinsya ng Cotabato.
Sa latest assessment and validation ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management (MDRRM-Matalam) na umaabot na sa 36 bahay ang fully and partially damaged sa pagtama ng buhawi sa Barangay Poblacion at Barangay Manubuan Matalam Cotabato.
Matatandaan na Bago hinagupit ng buhawi ang dalawang Barangay ay umulan muna ng malakas at sinundan ng animoy bagyong hangin.
Nagliparan umano ang mga yero at kahoy sa mga bahay na winasak ng buhawi.
Swerte namang walang nasaktan sa mga residente na agad nakapagtago.
Maliban sa mga sinirang bahay ay binayo rin ng buhawi ang mga pananim ng mga magsasaka.
Nakapaghatid na ng tulong ang LGU-Matalam at Provincial Government sa mga pamilya na sinalanta ng buhawi.