-- Advertisements --
Nagpahayag ng suporta ang University of the Philippines (UP) sa anumang desisyon ng kanilang forward na si Carl Tamayo.
Inanunsiyo kasi ni Tamayo sa kaniyang social media na aalis na siya sa Fighting Maroons dahil tinanggap na niya ang alok na makapaglaro sa basketball league sa Japan.
Ayon sa UP men’s basketball team na kahit na anumang pagnanais nila na makasama si Tamayo sa koponan ay kanilang ginagalang ang desisyon nito.
Magugunitang naging bahagi ng UP men’s basketball team si Tamayo kung saan tinanghal siya bilang Rookie of the Year noong Season 84 na naging susi rin sa pagkampeonato ng koponan.