-- Advertisements --
image 141

Kinumpirma ng Metro Pacific Investments Corporation (MPIC) ang mga balita na nakipagtulungan ito sa Sumitomo Corp. sa pagsusumite ng unsolicited proposal para sa operasyon at maintenance ng Metro Rail Transit 3.

Ayon sa kumpanya, ito ay sasailalim sa mga talakayan sa Department of Transportation.

Kung matatandaan, sinabi ng DOTr noong Nobyembre na maaaring isapribado nito ang maintenance at operations ng MRT-3 para maging mas efficient ang mga riles.

Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, tinitingnan ng kanilang ahensya ang pakikipagsosyo sa mga private rail operator para sa operasyon at maintenance ngv MRT3 s ilalim ng parehong pamamaraan ng LRT1.

Ang LRT1 line assets kasi ay nananatiling pag-aari ng gobyerno ng ating bansa.

Ang Light Rail Manila Corp, na pag-aari ng nasabing kumpanya, ay siyang nagpapatakbo ng LRT-1.

Dagdag dito, ang Build Lease Transfer Agreement ng Pamahalaan ang pribadong consortium na nagtayo ng MRT-3, ay nakatakdang mag-expire sa 2025.

Una nang naghain ang Metro Pacific Investments Corporation para sa voluntary delisting noong Agosto, matapos sabihin na ang presyo ng bahagi nito ay hindi tumutugma sa halaga ng nabanggit ng kumpanya.