-- Advertisements --

Magkakansela ang United Airlines ng humigit-kumulang 5% ng mga naka iskedyul na biyahe nito bilang short term dahil sa pagtaas ng presyo ng jet fuel dulot ng lumalalang labanan sa Middle East.

Ayon pamunuan ng eroplano, kung mananatili sa mataas na antas ang presyo ng langis, maaaring umabot sa dagdag na $11 billion kada taon ang gastos ng airline sa jet fuel.

Paliwanag pa ng paliparan, batay sa kanilang mga projection, maaaring umabot sa $175 kada bariles ang presyo ng langis at hindi bababa sa $100 hanggang sa katapusan ng 2027.

Sa kasalukuyan, planong ibalik ng airline ang buong flight schedule sa susunod na season, ngunit pansamantalang babawasan ang kapasidad nito, lalo na sa mga off-peak periods sa ikalawa at ikatlong quarter ng taon.

Kabilang sa mga hakbang ng airline ang pagtigil ng ilang ruta patungong Ben Gurion International Airport sa Israel at Dubai International Airport sa United Arab Emirates, na apektado ng humigit-kumulang 1% ng kabuuang kapasidad ng paliparan.

May karagdagang pagbawas din sa mga flight patungong Chicago O’Hare International Airport kasunod ng plano ng Federal Aviation Administration na bawasan ang mga biyahe ngayong tag-init.

Layunin ng mga pagbabagong ito na mapamahalaan ang tumataas na gastos habang patuloy na inaangkop ng airline ang operasyon sa kasalukuyang kondisyon ng merkado.