-- Advertisements --

Nababahala na ang United Nations Children’s Fund (UNICEF) sa kalagayan ng mga batang apektado nang pag-alburuto ng Taal Volcano.

Ayon sa UNICEF, ang mga batang nakatira sa danger zones at nananatili sa kasalukuyan sa mga evacuation center ay nahaharap sa posibleng pagkakaroon ng respiratory problems pati na rin ng water-borne at vaccine-preventable diseases.

Ang paglilikas din anila ng mga batang ito kasama ang kanilang pamilya ay naglalagay lamang sa kanilang mga sarili sa peligrong mahawaan ng Coronavirus Disease (COVID).

Ito ay dahil sa posibleng siksikan sa mga evacuation sites, gayundin sa limitado ring pasilidad para sa personal hygiene at kawalan ng access sa mga personal protective equipment.

Iginiit din ng UNICEF na maaaring magdulot ng stress at kailangan ang mga batang ito na sumailalim sa psychosocial interventions.

Gayunman, sinabi ng UNICEF na handa silang magbigay ng tulong sa Pilipinas.

Sa katunayan ay mayroon na rin silang “propositioned” na emergency supplies sa mga apektadong lugar.