-- Advertisements --

Magpapadala ang United Nations International Children’s Emergency Fund (UNICEF) ng 29 power generators sa Kherson region sa Ukraine.

Ito ay para magkaroon ng kuryente at tubig na papakinabangan ng nasa 12,000 residente.

Gagamitin din ang 15 generators para matiyak ang patuloy na serbisyo ng mga pagamutan sa mga lugar ng Novovorontsovska, Velyko Oleksandrivska at Vysokopillia.

Sinabi ni UNICEF Ukraine Representative Murat Sahin na mayroong dagdag na 14 generators ang ibibigay para sa water utilities sa mga residente at gagamitin sa mga emergency services.