Mas mababa ngayon ang unemployment rate o mga pilipinong walang trabaho, kumpara sa naitala noong bago pa man nagkaroon ng pandemya.
Ito ang inilahad ni pangulong Ferdinand marcos jr sa kaniyang pakikipag dayalogo sa presidente ng world economic forum na si borge brende.
Ayon sa pangulo, nakalikha ang gobyerno ng pilipinas ng milyong trabaho sa nagdaang ilang taon.
Patunay aniya nito ay ang dalawang milyong trabaho na nalikha na kapag nanatiling mababa aniya ay kakayaning maagapan at maiwasan ang recession.
Binigyang diin ng pangulo n amula nang naupo siya sa pwesto noong hulyo 2022, tumutok ang kaniyang administrasyon sa pagpapasigla ng msme’s o micro small and medium enterprises dahil ang mga ito ang bumubuo sa malaking bahagi ng ekonomiya tulad ng karamihan sa mga bansa sa asya.
Sa huling data ng Philippine statistics authority, nasa 4.2% ang unemployment rate sa bansa noong nobyembre ng 2022, mas mababa kesa sa 4.5% na naitala noong oktubre ng nakalipas na taon at 6.5% na naitala noong nobyembre ng 2021.
Ayon sa psa, ang naitalang unemployment rate noong nobyembre ng nagdaang taon na 4.2% ay ang pinaka mababa mula noong abril ng 2005.










