-- Advertisements --
arnal mandal

Hindi pinalad na maiuwi ni Filipino wushu martial artist Arnel Mandal ang kauna-unahan sanang gintong medalya ng Pilipinas sa Asian Games 2023.

Ito ay matapos siyang mabigo sa kanyang naging laban kaninang umaga kontra kay Jiang Haidong na pambato ng China.

Gayonpaman, tiyak pa rin ang silver medal ng pinoy wushu fighter, bilang pangalawa sa Wushu men’s 56-kilogram sanda category.

Maalalang una nang tinalo ni Mandal ang pambato ng Kyrgyzstan na si Avazbek Amanbekov kahapon, daan upang umusad siya aa Finals

Si Mandal ay gold medalist sa 30th Southeast Asian Games noong 2019.

Una rin siyang nag-uwi ng dalawang gintong medalya noong 2017 1st Asian Cup at 2018 9th Sanda World Cup na kapwa ginanap sa China.