-- Advertisements --

Idinaan lamang ni 2018 Miss Universe Catriona Magnayon Gray sa pamamagitan ng social media ang pasasalamat nito sa kapwa celebrity at bagong boyfriend na si Sam Milby.

Ito’y para sa suporta ng 36-year-old actor/singer sa outreach project ng 26-year-old half Australian beauty na tubong Bicol.

Unang beses itong pagkilala ni Gray kay Milby na lantad sa publiko, halos dalawang buwan mula nang ilarawan ni Milby na “worth the wait” ang kanilang love story.

Nag-post kasi ng video si Sam kaugnay sa naturang fundrasing project na “#PassTheKindness” at kapansin-pansin ang komento ng pang-apat na Pinay Miss Universe with matching heart-smiley emoji.

https://www.instagram.com/p/CClLD-MBCim/

Bago kay Milby, galing si Gray sa 6-year-relationship sa Filipino-German model na si Clint Bondad.

Kahapon lang nang maging usap-usapan ang pagpapadala ng mensahe ni Clint kay Sam sa pamamagitan ng direct messaging sa Instagram kung saan kanya itong inaalok na maging kliyente.

Nabatid na nasundan pa ito ng isa pang chat ni Bondad patungkol naman sa “rates” at iba pa.

Ang 26-year-old model na ka-edaran ni Catriona ay isa ring negosyante at usap-usapang pinasok na ang fitness industry.

Wala namang nabanggit kung para saan ang business proposal niya sa 36-year-old-actor na siyang bagong boyfriend ni Catriona.

Abril noong nakaraang taon o mahigit isang buwan lamang matapos ang kumpirmasyon na nauwi na sa hiwalayan ang anim na taong relasyon nila ni Gray, naging usap-usapan ang uamno’y kissing photo ni Clint kasama ang isang hindi kilalang babae habang nasa isang bar.