-- Advertisements --
Swine Fever
African Swine Fever/ Science image

VIGAN CITY – Inaasahan ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) na ngayong linggo ay maidedeklara nang African swine fever (ASF) free ang Rizal.

Kung maaalala, sa Rizal unang nakumpirmang nakapasok na sa bansa ang ASF hanggang sa lumaganap na rin sa ilang panig ng mundo.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Vigan kay SINAG Chairman Rosendo So, unti-unti na aniyang nalilinisan ang nasabing lalawigan lalo na sa mga lugar kung saan naunang naipatupad ang 1-7- 10 protocol ng Department of Agriculture upang maiwasang kumalat ang ASF sa iba pang lugar.

Tiniyak pa ni So na maliban sa Rizal, mahigpit din ang pagbabantay nila sa Bulacan, Pampanga, Pangasinan at Quezon City, kung saan mayroong culling operations na isinasagawa sa mga baboy na pinaniniwalaang apektado ng ASF.