-- Advertisements --

Napabilang na rin sa medal tally ang Pilipinas sa swimming competitions matapos na masungkit ni Chloe Isleta ang gold medal sa Women’s 200m Backstroke sa nagpapatuloy na 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam

Nagtapos ang Pinay sa oras na 02:18.600, habang nakuha naman ng Indonesia sa pamamagitan ni Nurul Fajar Fitriyati ang silver medal sa oras na 02:19.790.

Ang atleta ng Thailand na si Mia Millar ay nagkasya sa oras na 02:19.900 para sa bronze medal.

Inaasahang hahakot din ang Pilipinas sa iba pang events sa swimming competitions.